VP Robredo: Private sectors, dapat hayaang tumulong sa pag-accredit ng COVID-19 laboratories

Umapela si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na bilisan ang pagbibigay ng accreditation sa mga laboratoryong magpo-proseso ng COVID-19 test.

Kasunod ito ng reklamo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na higit isang buwan na sa mga quarantine facility at hindi pa rin makauwi sa kanilang mga pamilya dahil sa mabagal na paglalabas ng kanilang COVID-19 test results.

Giit ni Robredo, napakababa pa ng kapasidad ng mga laboratoryo sa bansa dahil sa mabagal na accreditation process.


Kaugnay nito, hinimok ng bise presidente ang pamahalaan na hayaan ang mga pribadong sektor at educational institutions gaya ng University of the Philippines (UP) na tumulong sa pag-accredit ng COVID-19 laboratories.

“’Yong capacity ng mga laboratories natin, sobrang baba pa. Pero ang claim ng marami, ang bagal daw kasi ng accreditation. Kasi as of now, kung hindi ako nagkakamali nasa 37 ‘yong laboratories na working pero kulang na kulang. Halimbawa itong mga OFWs, biktima ito ng kabagalan natin. So dapat bilisan ‘yong pag-accredit. Kung kakaunti silang nag-a-accredit bakit hindi na payagan ‘yong private na tumulong sa pag-accredit? Hindi naman natin nasosolo sa gobyerno ‘yong kapasidad e,” ani Robredo.

Facebook Comments