VP Robredo, sinupalpal ang fake news tungkol sa river project

Mariing pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo ang isang fake news report na hinihimok niya ang mga lokal na pamahalaan na mag-invest sa flood control infrastructure.

Ang post ay naglalaman ng headline at sinamahan ng litrato ng nasirang Naga revetment project na sinimulan ni Robredo noong siya pa kongresista ng Camarines Sur.

Ang nasabing balita na may petsang November 2 ay mayroong caption: “Naga River Project ni VP Leni Robredo, bumigay agad, wala pang dalawang buwang pagkatapos ng inauguration nito!”


Ang post ay kumakalat online, pero lumalabas na ang litrato ay kinuha pa noong 2016 at ang pinsala sa proyekto ay naayos na.

Sa kanyang official Facebook page, iginiit ni Robredo na peke ang nasabing balita.

Sinabi ni Robredo na maayos pa rin ang proyekto kahit dumaan ang Bagyong Rolly.

Ikinalungkot ng Bise Presidente na marami pa ring indibidwal ang nagpapakalat ng fake news sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments