Muling iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat direkta siyang sabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung nais nitong bitawan niya ang pagiging co-chair ng Inter Agency Commission on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Kasunod na rin ito ng pahayag ng pangulo na hindi niya kailanman pagkakatiwalaan si Robredo dahil miyembro ito ng oposisyon.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN, kinumpirma rin ng bise presidente na sumulat siya kay Pangulong Duterte para linawin ang saklaw ng kanyang mandato.
Sa ngayon, wala pa aniyang sagot ang pangulo.
Samantala, para kay PACC Commissioner Manuelito Luna, sapat na dahilan na ang hindi pagtitiwala ng pangulo para malaman ni Robredo na sibak na siya sa posisyon.
Bukod dito, “legally nonexistent” naman aniya ang pagiging co-chair ng ICAD at ang ganitong non-cabinet rank position ay hindi maaaring i-alok o tanggapin ng isang bise presidente.