Pabor si Vice President Leni Robredo na magkaroon ng third party investigation tungkol sa pagbangga ng Chinese vessel sa Philippine fishing boat sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, mas mainam kung sa third party ipaubaya ang imbestigasyon kaysa sa joint investigation sa pagitan ng Pilipinas at China.
Layunin nito na magkaroon ng patas at walang pinapanigang kampo.
Nanawagan din ang Bise Presidente sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na protektahan ang mga pangisdaang pagmamay-ari ng Pilipinas.
Aniya, ang Recto Bank ay bahagi ng Exclusive Economic zone ng Pilipinas kaya nararapat lamang na ang bansa ang nakikinabang dito.
Matatandaang binisita ni Robredo ang 22 mangingisda naapektuhan ng insidente at kinamusta ang kanilang sitwasyon.
Nagbigay si Robredo ng tig-P50,000 sa mga crew ng F/B Gem-Ver 1.