Binanatan ni Vice President Leni Robredo si Solicitor General Jose Calida dahil sa pagdepensa sa pamilya Marcos.
Ito ang pahayag ni Robredo matapos ihayag Office of the Solicitor General (OSG) na ang kautusan ng US Court na bayaran ang human rights victims sa ilalim ng martial law period ay “disadvantageous” sa gobyerno.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo – imbes na abogado ng gobyerno ang SolGen, nagiging abogado ng pamilya Marcos.
Dapat aniya ipinaprayoridad ng SolGen ang interes ng gobyerno.
Nabatid na nag-isyu ng direktiba si New York District Court Judge Katherine Polk Failla na maglabas ng $13.75 million para sa human rights victims.
Pero plano ng gobyerno na ipatigil ang settlement agreement matapos magsagawa ng negosasyon.
Sa ngayon, patuloy na naghahanap ng legal remedies ang OSG.