Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga business owners na huwag samantalahin ang pagpapaliban ng pagbibigay ng 13th month bonus sa kanilang manggagawa.
Ito ang pahayag ng Bise Presidente kasunod ng plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na payagan ang mga ‘distressed’ companies na iantala ang pagbabayad ng mandatory 13th month pay.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na alam ng mga manggagawa kung hindi talaga kaya ng kanilang kumpanya na magbigay ng 13th month pay sa panahon ng pandemya.
Dagdag pa ni Robredo, may mga nakausap siyang mga business owner para alamin ang sitwasyon ng kanilang mga kumpanya sa gitna ng health crisis.
Hinikayat din ni Robredo ang mga Pilipino na ‘higpitan ang kanilang sinturon’ habang patuloy pang bumabangon ang ekonomiya at mga apektadong sektor at industriya mula sa pandemya.
Sa ilalim ng Presidential Decree No. 851, ang 13th month pay ay dapat katumbas ng basic annual salary ng isang manggagawa at kadalasang ibinibigay ito tuwing katapusan ng taon.