VP Robredo, umapela sa publiko na maging responsable sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases

Umapela si Vice President Leni Robredo sa publiko na maging responsable at huwag magpakakumpiyansa kasunod ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, naaalarma si Robredo sa pagtaas ng COVID-19 cases dahil lumalabas na nangyayari ang projection ng OCTA Research Group na aakyat sa 6,000 ang daily COVID-19 cases sa katapusan ng Marso.

Para kay Robredo, “ironic” dahil lumolobo ang kaso kung kailan dumating na ang mga bakuna.


Muling nagpaalala si Robredo na manatiling sumunod sa minimum health standards dahil para sa ikabubuti rin nila ito.

Ang pagsunod sa health protocols ay paraan ng publiko na tulungan ang gobyerno na labanan ang pandemya.

Facebook Comments