VP Robredo, wala pang plano para sa 2022 elections; itinangging tatakbo sa pagkagobernador ng Camsur

Itinanggi ng kampo ni Vice President Leni Robredo na naghahanda na ito para tumakbong governor ng Camarines Sur.

Kasunod ito ng pahayag ni dating Senator Antonio Trillanes IV na pinalitan ng Magdalo group ang status niya mula sa pagiging alternate candidate kay Robredo ay siya na ang principal candidate para sa pagka-Pangulo ng 1Sambayan coalition.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, Spokesperson ni Robredo, wala pang desisyon ang bise presidente para sa 2022 elections.


Aniya, ang focus ng bise presidente sa ngayon ay makatulong sa ating mga kababayan na apektado ng COVID-19 crisis.

Sinabi naman ni Gutierrez na bukas ang bise presidente sa lahat ng opsyon kabilang ang posibilidad na pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

Facebook Comments