VP Robredo: “Walang dahilan para i-postpone ang eleksyon”

Walang dahilan para hindi ituloy ang eleksyon sa 2022.

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod ng mungkahi ni House Majority Leader Mikey Arroyo na i-postpone muna ang halalan dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN, sinabi ni Robredo na kung nagawang buksan ang Manila Bay white sand Baywalk at ang iba pang tourist destination sa bansa ay walang dahilan para ipagpaliban ang halalan.


Ipinakita rin aniya ng ibang mga bansa na bagama’t nasa gitna pa sila ng pandemya ay tuloy ang kanilang eleksyon.

Bukod dito, binigyang-diin ng pangalawang pangulo na mismong ang Commission on Elections (COMELEC) na ang nagsabing tuloy ang botohan dahil ang ginagawa naman nilang paghahanda para sa scenario sakaling may banta pa rin ng COVID-19 sa 2022.

Facebook Comments