
Binigyan ng House prosecution panel ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng kopya ng inihain nilang motion para pasagutin ang bise-presidente sa Articles of Impeachment.
Ang kopya ng mosyon ay dinala ng House Secretariat Staff sa tanggapan ni VP Duterte sa 11th Floor, Robinsons Cybergate Plaza, Mandaluyong City.
Nakapaloob sa mosyon ang hiling kay Senate president at Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na maglabas ng writ of summons para kay VP Duterte at atasan ito na sagutin ang Verified Complaint for Impeachment na inihain ng Kamara sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap nito.
Magugunitang Pebrero 5, 2025 nang ipadala ng Kamara sa Senado ang impeachment complaint laban kay VP Duterte na nilagdaan ng 215 kongresista.