VP Sara, bumuwelta sa mga nagsulong ng impeachment laban sa kanya matapos ang Supreme Court ruling

Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang kanyang defense team matapos ang ruling ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang ikaapat na impeachment complaint laban sa kanya.

Pinasalamatan din ni VP Sara ang petitioners na dumulog sa Supreme Court para kuwestiyunin ang ligalidad ng nasabing reklamo.

Bumwelta naman si VP Sara sa mga nagsulong ng impeachment complaint laban sa kanya sa pagsasabing dapat magkaisa sa pagtindig ang mga Pilipino at maging matatag laban sa mga lider na nagpapabagsak sa bayan.

Una nang tiniyak ng defense team ng pangalawang pangulo na nakahanda sila sakaling may maghain muli ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

Nakakasa rin anila ang kanilang mga ebidensya na kokontra sa mga akusasyon laban sa bise presidente.

Facebook Comments