Wednesday, March 11, 2026

VP Sara, dismayado sa kabiguan ng Senado na imbestigahan ang expose ng 18 mga sundalo

Dismayado si Vice Presidente Sara Duterte sa hindi pag-aksyon ng Senado sa expose ng 18 mga sundalo na dating tauhan ni ex-Cong. Zaldy Co.

Sa ambush interview sa Davao City, sinabi ni VP Sara na wala itong pinagkaiba sa pagtanggi ng pamahalaan na mapanagot ang mga nasa likod ng flood control scandal at sa katiwalian na sa national budget sa taong 2023, 2024, at 2025.

Dahil dito, asahan na aniya na wala ring gagawin ang gobyerno sa problema sa krisis sa langis.

Una nang ibinunyag ng 18 mga sundalo ang anila’y pag-deliver nila ng mahigit P800 billion kina Pangulong Bongbong Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at ilang kongresista na pumirma sa impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Facebook Comments