
Duda si Vice President Sara Duterte sa magiging pamumuno ni bagong PNP chief Nicolas Torre III.
Ito ay lalo na’t lumabas aniya sa findings ng Senado na may mga nagawang paglabag sa batas si Torre kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihalintulad din ito ni VP Sara sa pagkakahirang sa House speaker sa kabila ng may kaso aniya itong bribery sa Amerika.
Ayon kay VP Sara, malinaw na sketchy o malabo ang naging desisyon sa pagkakatalaga kay Torre.
Facebook Comments









