VP Sara, dumalaw sa kanyang chief of staff na naka-detain sa Kamara

Dinalaw ni Vice President Sara Duterte ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez na nasa detention facility ng Kamara simula nang patawan ito ng contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability nitong Miyerkules, Nov. 20.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, si VP Sara ay dumating sa Kamara bago mag-alas-otso kagabi (Nov. 21) at nakaharap si Lopez hanggang alas dose ng hatinggabi sa visitor’s center.

matapos nito ay dumiretso VP Duterte sa tanggapan ng kanyang kapatid na si Davao 1st District Rep. Paolo Pulong Duterte at hanggang ngayon ay nananatili pa siya roon.


Tiniyak naman ni Velasco ang mahigpit na seguridad sa Kamara at nakipag-ugnayan na rin sila sa Quezon City Police District hinggil dito.

Facebook Comments