VP Sara Duterte, bad shot na raw kay First Lady Liza Marcos

Tahasang sinabi ni First Lady Liza Araneta-Marcos na “bad shot” na si Vice President Sara Duterte sa kaniya.

Sa isang short YouTube video ng “Tune in kay Tuning”, inamin ng first lady na sumama ang loob niya sa pagdalo ni VP Sara sa isang prayer rally na tumawa pa ng sinabihang bangag si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon pa kay First Lady Marcos, naging mabait siya sa lahat ng oras kay VP Sara pero lumampas na ito sa hangganan kaya nagpapakatotoo lamang siya.


Ginagawa rin aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat para protektahan ang pangalawang pangulo dahil nasa iisang team sila noong 2022 elections.

Giit pa ng first lady na kailanman ay hindi ito nagawa maging nang mahigpit na kalaban ng pangulo na si dating Vice President Leni Robredo.

Matatandaang kapansin-pansin din sa mga naging departure ng pangulo na hindi talaga binabati ng unang ginang si VP Sara.

Facebook Comments