VP Sara Duterte, bumisita sa Comelec ngayong tanghali para silipin ang paghahanda sa BSKE

Bumisita sa Commission on Elections (Comelec) si Vice President Sara Duterte para silipin ang Operations Center ng Comelec sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong tanghali.

Layon din ng pagbisita ni VP Sara na alamin ang mga huling paghahanda ng Comelec sa pagdaos ng halalan.

Alas-3:00 dapat naka-schedule ang bise presidente, pero bago mag-12:00 ngayong tanghali ay dumating na siya sa Comelec office.


Bandang alas-12:30 naman ng tanghali ay lumabas na ito ng Comelec building at dumiretso sa Manila Cathedral.

Haharap naman sa isang press conference mamaya-maya si Comelec Chairman George Erwin Garcia para magbigay ng detalye sa naganap na pagbisita ni VP Duterte.

Facebook Comments