VP Sara Duterte, dapat gamitin ang kanyang kaarawan para pagnilayan ang pagharap sa impeachment proceedings

Hinamon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte sa kanyang kaarawan na piliin ang katotohan at pananagutan sa halip na pairalin ang panililinlang at patuloy na pag-iwas.

Ayon kay Castro, ngayong ika-47th birthday ni VP Sara ay mainam na pagnilayan nito ang pagharap sa impeachment proceedings sa halip na patuloy na magdiwang sa paraang puno ng kasinungalingan at ka-dramahang pampulitika.

Giit ni Castro, marapat lang na ibukas ni VP Sara sa mga Pilipino ang katotohanan sa halip na ipagpatuloy ang mga squid tactics nito sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanyang mga kasalanan at pilit pagpapalutang na sya ang biktima.

Naniniwala si Castro na patuloy na nababawasan ang tiwala ng publiko kay VP Sara dahil sa pagpupumilit nitong makalusot sa pananagutan kaakibat ang pagkakalat ng maling mga impormasyon.

Facebook Comments