VP Sara Duterte dapat magpaliwanag sa umano’y pagbisita niya nang dis-oras ng gabi sa Camp Bagong Diwa — Malacañang

Dapat magpaliwanag ni Vice President Sara Duterte sa publiko tungkol sa alegasyong bumibisita siya nang dis-oras ng gabi sa Camp Bagong Diwa para pigilan ang isang detainee na magsiwalat tungkol sa sinasabing koneksyon ng kanyang pamilya sa mga drug lord at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operator.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na nakaabot na sa Malacañang ang impormasyon hinggil sa pahayag ng detainee na si Ramil Madriaga, na siya umanong binibisita ng pangalawang pangulo.

Sinabi aniya ni Madriaga na nagsilbi siyang “bag man” ni Duterte at itinuro ang ilang POGO operator at drug lord bilang mga financier sa kampanya ng bise presidente noong halalan.

Gayunpaman, hindi pa raw makukumpirma ng Palasyo kung totoong nagpupunta si Duterte sa naturang pasilidad.

Hihingi pa umano sila ng opisyal na beripikasyon mula sa Department of the Interior and Local Government.

Facebook Comments