
Kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang pagtatag ng administrasyong Marcos ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sa ambush interview sa Tacurong City, Sultan Kudarat, sinabi ni VP Sara na kung tutuusin hindi na kailangang bumuo ng komisyon dahil madali namang i-check kung talagang may flood control projects na ginawa ang gobyerno.
Hinamon din ni VP Sara ang Marcos administration na pakinggan ang magiging saloobin ng mga Pilipinong dadagsa sa rally sa Metro Manila sa darating na linggo, September 21.
Muli ring hinamon ni VP Sara si Pangulong Bongbong Marcos na sumailalim sa hair follicle test at patunayan sa taumbayan na nasa maayos siyang pag-iisip.
Facebook Comments









