VP Sara Duterte, dumepensa sa hamong pag-resign ni Davao City Mayor Baste Duterte kay PBBM

Dinepensahan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang kapatid nitong si Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Kaugnay ito ng hamong resignation ng alkalde kay Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay VP Sara, hindi pa niya nakausap ang kanyang kapatid pero tiyak aniyang ang pinanggagalingan ng pahayag nito ay “place of brotherly love”.


Iginiit din ng pangalawang pangulo na ang boto ng taongbayan ay pagtitiwala sa kanya para ipagpatuloy niya ang paglilingkod sa taongbayan.

Kaakibat aniya ng tiwalang ito ay ang tiwalang kakayanin niya ang anumang atake, black propaganda, paninirang-puri, at iba pang mga hamon na ibabato sa kanyang pagkatao.

Aminado rin si VP Sara na bagama’t hindi ito madali, humuhugot aniya siya ng lakas at inspirasyon sa tiwalang ibinibigay sa kanyan ng sambayanan.

Nangako rin ang vice president na hindi siya kailanman panghihinaan ng loob at tuloy ang kanyang trabaho bilang Education secretary.

Facebook Comments