VP Sara Duterte, dumepensa sa kanyang pahayag hinggil sa “designated survivor”

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi joke at hindi bomb threat ang kanyang pahayag hinggil sa pagiging “designated survivor”.

Ayon kay VP Sara, marami lang aniya talaga ang mali ang naging pagka-unawa sa kanyang pahayag.

Sinabi rin ng pangalawang pangulo ang mga katagang…


“Kung hindi mo naintindihan the first time, I don’t think you deserve an explanation.”

Sa ngayon, nasa Carmen, Cebu si VP Sara at outgoing DepEd Secretary kung saan pinangunahan niya ang National Brigada Eskwela Kick-off Program sa Carmen National High School.

Facebook Comments