VP Sara Duterte, dumistansya sa isyu ng pagpapalit ng liderato ng kamara

Dumistansya si Vice President Sara Duterte sa isyu ng pagpapalit ng liderato sa kamara.

Ayon kay VP Sara, wala rin siyang nais iendorso na papalit kay House Speaker Martin Romualdez sa harap ng kontrobersiya sa pondo ng gobyerno.

Kumbinsido naman si VP Sara sa ginagawang pag-iingay ni Cavite rep. Kiko Barzaga sa isyu ng pambansang budget na tinaguriang “Most corrupt budget”.

Facebook Comments