
Dumistansya si Vice President Sara Duterte sa usapin ng pag-endorso ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng mga kandidato.
Ayon kay VP Sara, karapatan ng bawat organisasyon kung ano ang kanilang mga paninindigan.
Ang mahalaga aniya ay nagkakaisa ang grupo sa loob ng organisasyon kung sino ang kanilang susuportahan.
Iginiit din ni VP Sara na hindi sila namimilit at sa halip ay ipinapaabot lamang nila sa publiko ang kaalaman hinggil sa kung paano pumili ng mga lider.
Facebook Comments









