VP Sara Duterte, handang makipag-partner sa mga LGU para sa pabahay sa mga guro

Suportado ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagpapalawak ng mga programang pabahay para sa mga guro.

Ayon kay VP Sara, handa itong makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para mas maraming guro ang makinabang sa mga pabahay program.

Kanina, dinaluhan ni VP Sara ang Groundbreaking Ceremony ng 12-storey residential building project ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) sa mga guro.


Paliwanag pa ni VP Sara, tumulong ang Department of Education (DepEd) sa QC-LGU para matukoy ang mga teacher-beneficiary sa kanilang pabahay.

Samantala, tiniyak naman ng bise presidente na magpapatuloy ang hiring ng DepEd sa karagdagang mga guro ngayong taon.

Paliwanag ni VP Sara, bukod sa pagdagdag ng mga guro, pinaplano rin ng kagawaran na palawakin ang kapasidad ng mga guro sa pamamagitan ng teknolohiya.

Facebook Comments