
Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang Commission on Audit (COA) na kasuhan ang public officials at contractors na sangkot sa ghost projects at substandard na mga proyekto tulad ng flood control projects.
Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na nanganganib ang buhay ng publiko dahil sa naturang mga katiwalian.
Sinabi ng Pangalawang Pangulo na trabaho ng COA na mag-imbestiga at panagutin ang mga sangkot sa korupsyon sa government projects.
Ang reaksyon ni VP Sara ay kasunod ng pagdemanda ni Manila Mayor Isko Moreno laban kay Manila Cong. Joel Chua dahil sa kontrobersiya sa flood control projects sa lungsod.
Facebook Comments









