
Hinamon ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Bongbong Marcos na ituro na ang mga nasa likod ng korapsyon sa pondo ng gobyerno.
Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na kung talagang seryoso si PBBM na lutasin ang problema sa katiwalian sa government projects, isang araw lang aniya ay tapos na ito.
Ito ay lalo na’t matagal na aniyang problema ang korapsyon sa government projects at lalo itong lumala simula noong nakalipas na taon.
Duda rin si VP Sara na posibleng diversionary tactics lamang ng Marcos administration ang aniya’y mala-sarzuelang imbestigasyon ngayon sa flood control projects.
Muli ring inihayag ni VP Sara na batid din noon ni PBBM ang naging hatian ng mga kongresista sa pondo ng Education Department para sa pagpapatayo ng school buildings pero wala aniya itong ginawang aksyon nang i-report niya ito nang siya pa ang DepEd secretary.









