Thursday, February 26, 2026

VP Sara Duterte, hinangaan ang expose ng mga sundalong dating mga tauhan ni Zaldy Co

Hinangaan ni Vice President Sara Duterte ang tapang ng mga dating security personnel ni dating Cong. Zaldy Co na nagbunyag ng sinasabing cash deliveries na nagkakahalaga ng ₱805 billion.

Partikular ang male-maletang pera na dinala raw sa ilang opisyal ng gobyerno kabilang na sina Pangulong Bongbong Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at mga kongresistang pumirma sa impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Sa kanyang inilabas na statement, sinabi ni VP Sara na hindi pangkaraniwan ang pagbuwis ng buhay ng mga miyembro ng Philippine Marines kapalit sa paglabas ng katotohanan.

Batid niya rin aniya noon pa ang hinggil sa pakikipag-ugnayan ng ilang opisyal ng Pilipinas sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) at kung ano ang ginagawa nila sa bansa.

Sinabi pa ni VP Sara na ang mga testimonya ng mga dating security personnel ni Co ay nagpapatibay sa mga nauna niyang babala kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bato dela Rosa hinggil sa presensya ng ICC sa loob ng Pilipinas, hanggang sa dukutin aniya ang kanyang ama.

Iginiit pa ni VP Sara na ang usaping ito ay hindi usaping pampulitika, at sa halip ay tungkol sa prinsipyo ng pambansang soberanya at sa limitasyon ng panghihimasok ng mga dayuhang institusyon sa domestic affairs ng Pilipinas.

Facebook Comments