VP Sara Duterte, hindi dadalo sa SONA ni PBBM

Hindi dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos si Vice President Sara Duterte.

Sa ambush interview kay VP Sara sa Davao City, inihayag nito ang mga katagang “No. No, I will not attend sa SONA. I am appointing myself as the designated survivor.”


Bago sinagot ng pangalawang pangulo ang naturang katanungan, huminga muna ito ng malalim.

Si VP Sara ay dumalo kanina sa inagurasyon ng Child and Adolescent Neurodevelopmental Center sa Brokenshire, Davao City.

Facebook Comments