VP Sara Duterte, hindi muling sisiputin ang NBI

Hindi muling sisiputin ni Vice President Sara Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) sa gagawing imbestigasyon tungkol sa umano’y death threat nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito’y pahayag ng bise presidente matapos itong humiling sa NBI na ilipat sa ibang araw ang pag-summon sa kanya mula November 29 hanggang sa naging December 11.

Ani VP Sara, magkakaroon sila ng thanksgiving sa kanilang opisina at makikilibing siya sa kaniyang tiyuhin kung kaya’t hindi muna ito makadadalo.


Dahilan niya na ayon sa kaniyang abogado, maaari siyang hindi pumunta at puwedeng magpasa ng letter of affidavit depende sa kaniyang desisyon.

Bukod sa subpoena ng NBI, may kinahaharap din ang bise presidente na reklamo mula naman sa PNP at impeachment complaints.

Facebook Comments