VP Sara Duterte, hindi nararapat na maharap sa impeachment o mapatalsik sa pwesto ayon kay PBBM

Hindi makatwiran na maharap sa impeachment o mapatalsik sa pwesto si Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kapihan with the Media sa Estados Unidos sa harap ng mga panawagang impeachment laban kay VP Duterte.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., binabatayan nilang mabuti ang mga hakbang sa panawagang patalsikin sa pwesto si VP Duterte.


Dagdag pa ng pangulo, hindi na bago ang panawagang patalsikin sa pwesto ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Pero ayon sa pangulo, hindi dahil lamang ayaw na sa nakapwestong opisyal ay kailangan na ang impeachment.

Tiwala naman ang pangulo na matatag ang samahan ng mga miyembro ng UNITEAM kung saan nakaanib si Pangulong Marcos.

Ito ay sa harap ng mga pahayag na watak-watak na ang UNITEAM.

Sinabi pa ng pangulo ang mga nanawagang impeachment para sa pangalawang pangulo at ang nagsasabi na watak-watak na ang UNITEAM ay parehong grupo lamang.

Giit ng pangulo, maganda ang samahan nila ni VP Sara at maganda rin ang nagiging pamamahala nito sa Department of Education (DepEd).

Facebook Comments