VP Sara Duterte, hindi pa tiyak kung makakapunta sa hearing ni dating Pangulong Duterte sa The Netherlands sa September 23

Hindi pa tiyak ni Vice President Sara Duterte kung nasa The Netherlands siya sa September 23 kasabay ng pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na inaayos pa ng kanilang pamilya ang kanilang schedule sa mga susunod na araw.

Pero tiniyak ni VP Sara na may miyembro ng kanilang pamilya ang present sa The Hague sa September 23 para sa confirmation of charges sa dating pangulo.

Samantala, tiniyak naman ni VP Sara na dadalo siya sa pagtitipon ng Filipino community sa Tokyo at Nagoya sa Japan sa September 20 at 21.

Facebook Comments