VP Sara Duterte, hiniling sa AFP at PNP ang kaligtasan ng kanyang pamilya

Nagpapasalamat si Vice President Sara Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) gayundin kina Senador Ronald Dela Rosa, Senador Bong Go at sa lahat ng ordinaryong mamamayan.

Kaugnay ito ng aniya’y pagtugon ng mga ito sa panawagan ni Senador Dela Rosa ng boluntaryong pagtulong para sa seguridad ng pangalawang pangulo.

Kasabay nito, hiniling ni VP Sara sa kanila ang kaligtasan ng kanyang pamilya.


Nanawagan din ang Pangalawang Pangulo na huwag payagan ang anumang karahasan sa kanyang ina, asawa at apat na anak, sa personal man o sa internet.

At kung sakali man aniya, huwag palampasin ang sinumang gagawa ng kapahamakan laban sa kanyang mga mahal sa buhay.

Huwag din daw mag-alala sa kanya at iginiit niya na hindi niya kailangan ang ambag na pera para sa kanyang security.

Ang pagtatrabaho aniya sa pamahalaan ay pag-alay ng buhay para sa bayan at bahagi ito ng kanilang serbisyo.

Facebook Comments