
Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang publiko na ibahagi ang biyaya ng Panginoon sa mga nahihirapan sa buhay, may karamdaman, ulila at walang tahanan, mga biktima ng sakuna at karahasan, at iba pang sektor na napapabayaan.
Sa kaniyang Christmas message, sinabi ni VP Sara na mula sa kagandahang loob nagmumula ang pag-asa, katatagan ng loob, at pananampalataya.
Hinimok din niya ang publiko na ipagdasal ang biyaya ng kapayapaan at katatagan ng Pilipinas.
Facebook Comments









