
Humarap sa Filipino community sa Doha, Qatar si Vice President Sara Duterte kasabay ng kaniyang mga aktibidad doon ngayong araw.
Kasama ni VP Sara sa kanIyang pakikihalubilo sa Overseas Filipino Workers sa Qatar ang kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman at si Senadora Imee Marcos.
Dumalo rin sa thanksgiving mass si VP Sara sa Our Lady of Rosary Church sa Doha.
Mula naman sa Qatar ay tutungo ang pangalawang pangulo sa The Netherlands mula May 30 hanggang June 3, kung saan muli rin niyang dadalawin ang kanyang ama na si dating Pangulong Duterte sa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague.
Sa May 31 naman ay dadalo si VP Sara sa pagtitipon ng Filipino community groups sa harap ng ICC at sa June 4 ang kaniyang pagbalik sa Pilipinas.









