Wednesday, February 18, 2026

VP Sara Duterte, humingi ng tawad sa publiko kasabay ng kaniyang pag-anunsyo ng pagtakbo sa pagka-Pangulo

Bukod sa pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte sa pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon, humingi rin ito ng tawad sa publiko.

Sa kaniyang talumpati, humihingi ang bise presidente ng kapatawaran dahil kabiguan sa pagharap ng administrasyon sa bansa sa mga nakalipas na taon.

Ilan sa kaniyang nabanggit ang pagkalunod sa baha dulot ng malawakang korapsyon, pang-aabuso ng mga instistusyon para sa pansariling interes, pagtaas ng presyo ng bilihin at kawalan ng seguridad sa pagkain.

Bukod pa rito, humingi rin ang ikalawang pangulo ng kapatawaran sa pagtulong na naging daan umano para sa pagkakahalal kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Samantala, sinabi rin ng bise presidente na hindi siya natatakot sa kabila ng na pagsira ng kaniyang pangalan.

Pero, aniya ang kaniyang iminakatakot na balang araw na wala nang bansang Pilipinas ang maibibigay sa hinaharap dahil sa patuloy umanong paglugmok sa kahirapan.

Sa huli, sinabi ni VP Sara na handa niyang ialay ang kaniyang sarili sa pagseserbisyo para sa bansa.

Facebook Comments