
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na “accountability” pa rin ang isinisigaw ngayon ng taongbayan, tulad ng isinigaw ng mga Pilipino sa EDSA People Power Revolution, apatnapung taon na ang nakakalipas.
Ayon kay VP Sara, dismayado pa rin ang taongbayan sa pagtraydor sa kanila sa harap ng talamak na korupsyon sa gobyerno.
Iginiit ni VP Sara na hanggang ngayon ay nagde-demand pa rin ng paliwanag ang taongbayan kung saan napunta ang kanilang pera habang marami ang nawalan ng tahanan matapos malubog sa baha.
Tinawag din ni VP Sara na “unseen guardians” ng tiwala ng publiko ang accountants at finance officers na nagsisilbing tagapagbantay ng pondo ng bayan kung saan nasa kamay nila ang kontrol sa paglabas ng pondo at sa pagpigil nito para hindi magamit sa pag-abuso.
Ayon kay VP Sara, ang “accountability” sa Pilipinas ay isang malungkot na landasin sa harap ng mga pananakot at panggigipit.










