Saturday, February 7, 2026

VP Sara Duterte, isinawalat ang mga tunay na motibo sa paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa kanya

Inisa-isa ni Vice President Sara Duterte ang mga motibo ng mga nasa likod ng paghahain ng panibagong impeachment laban sa kanya.

Ayon kay VP Sara, malinaw na nais pagtakpan ng administrasyon ang mga pagkukulang nito na nagiging dahilan ng paglugmok ng bayan sa kahirapan.

Iginiit din ni VP Sara na kumikita ang mga mambabatas sa kanilang pagpirma sa impeachment complaint laban sa kanya.

Ayon pa kay VP Sara, ang panibagong impeachment complaint laban sa kanya na inihain ng grupong Akbayan ay may kinalaman sa planong pagtakbo ni Senadora Risa Hontiveros sa 2028 presidential race.

Ipinakita rin ni VP Sara ang video ng talumpati noon ni Hontiveros kung saan inamin aniya nito na itinuturing niyang mabigat na kalaban sa halalan ang pangalawang pangulo.

Facebook Comments