VP Sara Duterte, itinalaga bilang co-vice chairperson ng NTF-ELCAC

Itinalaga ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC Executive Committee si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang co-vice chair ng task force.

Ito ay kinumpirma mismo ni NTF-ELCAC Vice Chairman National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa briefing kagabi sa Malacañang.

Ayon kay Año, mapapalakas pa ang mandato ng NTF-ELCAC na isulong ang kapayapaan at pag-unlad sa mga barangay na patuloy na inuokupa ng mga rebeldeng grupo sa ilalim ng bago at pinalakas na task force lalo pa’t kasama na si VP Duterte na aniya’y expert sa pagpapaunlad ng lokalidad bilang dating mayor ng Davao City.


Sinabi ni Año, isa sa mahalagang agenda sa isinagawa nilang pulong ay ang paglilipat ng papel ng NTF-ELCAC sa bagong mandato.

Aniya, kung dati ang task force ay tinatawag na wariors for peace, ngayon ay magiging bringers of peace na sila.

Isusulong ngayon ng NTF-ELCAC ang pagdadala ng mga makabuluhang programa at proyektong pakikinabangan ng komunidad para hindi na sila mahikayat na maging miyembro ng makakaliwang grupo.

Facebook Comments