
Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang nangyaring pag-ambush ng isang teroristang grupo sa Munai, Lanao Del Norte kung saan ikinasawi ito ng apat na sundalo.
Sa inilabas na pahayag ng bise presidente, sinabi nito na ang ganitong uri ng karahasan ay isang malinaw na hamon sa estado ng kapayapaan at seguridad ng bansa.
Nanawagan si VP Sara sa mga responsableng ahensya ng pamahalaan na hindi sila titigil na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalo.
Bukod pa rito, dapat rin aniya na matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan laban sa banta sa mga kriminal, terorista, at iba pang nagnanais na manakot at pahirapan ang Pilipinas.
Dagdag pa niya na kailangan na magtulungan ang bawat isa dahil ang peace and order ay nakasandal sa kalayaan at kaunlaran ng bansa.
Nakikiramay ang pangalawang pangulo sa pamilya ng mga nasawing sundalo at sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.










