Sunday, January 25, 2026

VP Sara Duterte, kinondena ang pananambang sa Munai, Lanao del Norte na ikinasawi ng apat na sundalo

Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang pananambang na isinagawa umano ng isang teroristang grupo sa Munai, Lanao del Norte na ikinasawi ng apat na sundalo.

Sa inilabas na pahayag ng bise presidente, sinabi niyang ang naturang insidente ay isang malinaw na hamon sa kapayapaan at seguridad ng bansa.

Nanawagan si VP Sara sa mga responsableng ahensya ng pamahalaan na pursigidong papanagutin ang mga nasa likod ng pag-atake at tiyaking makakamit ang hustisya para sa mga nasawing sundalo.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagtiyak sa kaligtasan ng mamamayan laban sa banta ng mga kriminal, terorista, at iba pang grupong naglalayong maghasik ng takot at kaguluhan sa bansa.

Dagdag pa ng bise presidente, kinakailangan ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat, dahil ang peace and order ay mahalagang saligan ng kalayaan at kaunlaran ng Pilipinas.

Nakikiramay si VP Sara sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo at sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Facebook Comments