
Kinontra ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na ang pinakamasamang maaaring mangyari kay Senador Ronald dela Rosa ay ang makulong sa International Criminal Court (ICC).
Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP na ang pinakamasamang maaaring mangyari sa sino man ay ang magkaroon ng malalang sakit at magkaroon ng taning sa buhay.
Pero ang isang indibidwal aniya kahit na nakakulong hangga’t walang karamdaman ay may pag-asa pa sa buhay, lalo na ang mga nakatatanda na nabibiyayaan ng mahabang buhay.
Facebook Comments










