
Naniniwala si Vice President Sara Duterte na panibagong panggigipit ng administrasyong Marcos ang pagpapa-imbestiga nito sa water company ng pamilya Villar.
Kasunod ito ng pag-endorso ni VP Sara sa kandidatura ni Rep.Camille Villar sa pagka-senador.
Ayon sa pangalawang pangulo, wala nang ginawa ang administrasyon kundi ang atakehin ang mga personalidad na hindi nila kayang bayaran at patahimikin .
Ito ay sa halip aniyang atupagin ang pagpapaunlad ng bayan at ang pagkamit ng kapayapaan.
Una nang kinumpirma ng Malakanyang na ipinag-utos ng Pangulong Bongbong Marcos ang pag-imbestiga sa Prime Water Company ng pamilya Villar.
Facebook Comments









