Tiwala si Vice President Sara Duterte na lalago ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bilang bagong investment hub ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa kauna-unahang Bangsamoro Business Congress, tiniyak ni VP Sara na susuportahan nito ang infrastructure projects tulad ng Cotabato Agro-Industrial Complex at ang Polloc Freeport and Ecozone locators.
Binigyang-diin nito na malayo na ang narating ng BARMM sa paglago ng ekonomiya, usapin sa seguridad, mabuting pamamahala, matatag na sociopolitical landscape at makulay na kultura.
Pinuri din ni VP Sara ang BARMM Ministry of Trade, Investment and Tourism dahil sa pagsisikap nito na itaguyod ang mga industriya at itaas ang productivity sa kalakalakan na lilikha ng trabaho at magbubukas ng oportunidad sa pagnenegosyo.
Umaasa naman ang pangalawang pangulo na sa tulong ng pagsasama-sama ng mga technical expert, ekonomista, business leaders at development partners ay maipatutupad ang epektibong business roadmaps tungo sa kaunlaran ng Mindanao.