VP Sara Duterte, lumipad patungong Germany

Lumipad patungong Germany si Vice President Inday Sara Duterte Carpio kasama ang kanyang pamilya.

Pasado ala una kaninang madaling araw, July 24, 2024 nang lumipad ang eroplano ng Emirates Airlines flight EK-335 patungong Germany via Dubai sakay si VP Sara, mister na si Mans Carpio, mga anak at ang kanyang inang si Elizabeth Zimmerman.

Inaasahan naman na magbibigay ng official statement ang Office of the Vice President hinggil sa nasabing biyahe ng pangalawang pangulo.


Ang naturang Emirates flight ay unang naantala ng ilang oras ang paglipad dahil sa masamang panahon.

Facebook Comments