Wednesday, February 18, 2026

VP Sara Duterte, maaari pang maisama sa gumugulong na imbestigasyon ng EJKs sa ICC

Naniniwala si Kristina Conti, Secretary General ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), na maaari pa ring mabanggit ang pangalan ni Vice President Sara Duterte sa gumugulong na imbestigasyon sa kaso ng crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Conti, bagama’t hindi pa maituturing na co-perpetrator ang bise presidente, posibleng maisama ito sa imbestigasyon lalo pa’t sinisilip na rin sa ICC ang mga nangyari sa sinasabing extrajudicial killings (EJK) sa Davao City at kung paano umano ito lumawak sa buong bansa.

Dagdag pa ni Conti, inaasahan na ring lalabas ang mga usapin hinggil sa umano’y partisipasyon ni Duterte sa isyu ng “EJK” at “DDS killings,” lalo na matapos ang maaga nitong pag-anunsyo ng planong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Facebook Comments