
Inanunsyo ng Tanggapan ng Vice President of the Philippines na inaasahan na magbibigay ng pahayag tungkol sa pagbisita nito sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, The Netherlands.
Ang pahayag ay ginawa ng Office of the Vice President (OVP) matapos na dumating kagabing pasado alas-9 si Vice President Sara Z. Duterte sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng Emirates Airlines Flight No. EK 334, kasunod ng kaniyang pagbisita sa The Hague.
Matatandaan na si Vice President Sara ay umalis sa bansa noong nakaraang March 12, 2025 para dalawin ang kaniyang ama na nakakulong sa International Criminal Court sa The Hague Netherlands.
Si Vice President Sara ay inaasahang magbibigay ng statement sa mga susunod na araw tungkol sa kaniyang pagdalaw kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagdating ni VP Sara sa NAIA kagabi ay wala siyang ibinigay na anumang pahayag sa media dahil magbibigay siya ng official statements sa mga susunod na araw.