
Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na magpiprisinta sila ng intelligence experts sa impeachment court kaugnay ng kinukuwestiyong intelligence fund ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay VP Sara, dalawang intelligence experts na magsisilbing resource persons ang kanilang ihaharap sa impeachment court.
Sa pagharap aniya ng naturang intelligence experts malilinawan kung bakit kailangang gumamit ng aliases sa intelligence operations.
Magugunitang kinuwestiyon ng Kamara ang paggamit ng OVP ng aliases ng mga involve sa intelligence operations ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.
Facebook Comments









