VP Sara Duterte, may paalala sa pag-obserba ng Israh Wal Mi’raj

Nagpaalala ng kapayapaan si Vice President Sara Duterte sa harap ng pag-obserba sa Muslim holiday na Israh Wal Mi’raj.

Ayon kay VP Sara, ang Israh Wal Mi’raj ay nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng kapayaaan sa ating mga buhay.

Hinimok din ng pangalawang pangulo ang publiko na mag-alay ng panalangin para sa kaligayahan at katahimikan.


Aniya, ang paglalakbay ni Prophet Muhammad ay nagsisilbi rin bilang makapangyarihang paalala na sa kabila ng pagkakaiba, ang ating pananalig at dedikasyon ang nagbubuklod sa atin.

Mahahalaga rin aniya ang pananatili ng pagpapakumbaba at pagtitiwala.

Facebook Comments