VP Sara Duterte, naalarma sa tumataas na kaso ng pang-aabuso sa mga estudyante sa mga paaralan

Nababahala si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa tumataas na bilang ng pang-aabuso na isinusumbong ng mga estudyante sa mga paaralan sa bansa.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ni VP Duterte ang mahigpit na polisiya ng DepEd pagdating sa pagprotekta sa mga learner.

Aniya, nagpa-file rin sila ng administrative complaint sa loob ng DepEd, at nakikipag-ugnayan din sila sa Philippine National Police (PNP) sa pag-file ng kasong administrative case at kriminal.


Tiniyak din ng DepEd na dumadaan sa tamang proseso ang mga guro at non-teaching personnel na isinusumbong ng mga learner bago pormal na sampahan ng kaso.

Facebook Comments