
Nagbabala si Vice President Sara Duterte na pinanonood ng taongbayan ang aniya’y panggigipit ng administrasyon sa mga kalaban nito sa pulitika.
Ayon kay VP Sara, nakikita ng publiko ang mga pang-aapi ng administrasyon sa mga kalaban nito kabilang na ang kanilang pamilya.
Kinuwestiyon din ni VP Sara ang timing ng pattern ng mga panggigipit sa kanilang pamilya.
Ito ay sa halip aniyang pagtuunan ang totoong serbisyo sa bayan, at ang pagpapatupad ng development projects.
Tiniyak naman ng pangalawang pangulo na ipinauubaya na nila sa mga abogado ni Cong. Paolo Duterte ang paghawak sa reklamong isinampa laban sa kongresista.
Facebook Comments









